"Ding dali, kailangan nila ang tulong ko! akin na yung BATO!" Pagkagamit ng bato, nagiging si Darna ang dalaga at tumutulong sa mga mamamayang nangangailangan.
Kung sana ganito ang karaniwang buhay ng mga Pilipino, ayos na sana. Subalit imbis na bato na nakakatulong, batong masama ang ginagamit ng mga taong gustong makalimot at nais magpanggap na ibang tao para matakasan ang katotohanang marami ang hirap sa buhay. At imbis na makatulong sa mamamayan ay isinusuka ng lipunan ang mga taong may ganitong bisyo-BATO.

Isa na ito marahil sa sakit ng lipunan. Hindi masugpo, patuloy na kumakalat ang epidempya ng shabu. Pabata ng pabata ang nalululong. Bakit nga kaya? Marahil ay maraming kunsintidor! Mga taong nalusaw na ang utak sa madalas na paggamit ng bawal na gamot. Ano nga ba ang mabuting naidudulot nito? Kung tatanggalin mo sa listahan ang paglimot sa problema, ano pa ang matitira? Maliban sa pagkawala sa sarili, ano pa ang naidudulot nito? Pilipitin at pigain ko man ang utak ko, wala akong maisasagot. Kung board exam man ito ng Nursing, hindi na ako magkakalisensya.
Walang mabuting magagawa ang pagbabato. Maraming krimen ang nagaganap dahil sa pagkalulong dito. Ika nga ni Bob Ong, ang droga ay isang demonyong sumasapi sa atin. Paborito nitong gawin ay mang masaker at mangrape. Walang maidudulot na mabuti ang paggamit nito. Ang totoo ay biktima ka rin ng masalimuot na katotohanang nagpapaalila ka sa demonyong akala mo inaabuso mo, pero ikaw ang naaabuso. Dapat nang wakasan ang pagkalat ng masamang gamot bago pa nito kainin ng tuluyan ang katinuan ng mamamayan at patayin ang katawan ng biktimang inaalila nito.
-"BRIDGE.♥"
"COMICS TRIP"

No comments:
Post a Comment